COVID-19 Positive Ako, Ano Na Next?

Here’s something I got from our frontliners’ group chat in Victory Caloocan. This nurse tested positive last week. What she wrote warms the heart and fuels our hope. I’m sharing her reflections here. She requested to remain anonymous. Sentences are tweaked a bit. Here goes:

COVID-19 positive ako, ano na next? Here are some things that might help others: 

Acceptance. Tanggapin mo na bruh, kagaya ng pagtanggap mo nung nadapa ka nung 6 years old ka. Pareho masakit di ba? Pero nakaya mo, at eto din, makakaya mo.

Brush off the negative comments. First and foremost, kelangan mo magpalakas ng resistensya. Wag masyadong mag-isip at wag ma-stress. Kelangan mo ipag-pray yung mga nagko-comment ng hindi maganda tungkol sa sitwasyon mo at sa pagkakaroon mo ng COVID-19 (usually mga kapitbahay ’to na sa Facebook nag-uusap usap). Isipin mo na lang na hindi nila naiintindihan dahil hindi sila ang nasa sitwasyon mo. Pwede din na isumbong mo sa Lord. Pero mahalin mo pa din sila—wag ka na magalit. Isipin mo na lang, magiging mabait ka sa kanila kapag (wag naman sana) dumapo sa kanila ang sakit na ito. At dahil alam mo ang pakiramdam ng may COVID-19, at ang makarinig ng hindi magandang comments kapag nagkakasakitnito, hindi mo na iyon gagawin sa kanila. Panalangin yung ibibigay mo, encouragement, at tulong, hindi kabigatan.

Focus. Wag mo na isipin yung paglala ng sitwasyon. Focus sa mga blessing ng Lord—focus sa pagpapahinga; focus sa paggaling. Focus ka sa Lord; siya na bahala sa’yo. Sabi nga ni Moses, the Lord will fight for you; you need only to be still. Being still doesn’t mean na wala ka ng gagawin. Being still means continually waiting and trusting in the Lord. Believe that He can and He will save you and help you. He will sustain and strengthen you. Siya magpapalakas sa’yo habang nagtitiwala ka sa Kanya. Win-win ‘yun.

Do something. Di naman dahil nakakulong ka ngayon ay wala ka nang pwede magawa. Kung tatagal ka ng 10 days, 15 days, or more days (wag naman sana), do something with your time na pwedeng makapag-uplift sa’yo; do something to help yourself. Pwedeng magsulat ka, magbasa, makipag-video call or matulog. Kahit ano, wag lang lumabas ng hindi naka-face mask at hindi naka-face shield.

Sleep, eat, and rest well. Sulitin mo na. Ipahinga mo na yung isip, katawan, at puso mo. Andito ka na eh, at dahil natanggap mo na yung sitwasyon mo, gawin mo lahat ng makakaya mo para gumaling, para makabalik sa pamilya at trabaho. Miss mo na diba?

Appreciate. Kusa na din ito dadating, lalo kapag nandito ka na, napapa-reflect ka na, nakikita mo na yung halaga ng madaming bagay na dati na-take for granted mo. At ayun nga, be grateful even for the smallest things. Be grateful for your every breath and every heartbeat. Andito ka pa. Yung iba hindi nagtagumpay sa paglaban sa COVID-19. Ikaw malakas pa, may mild symptoms man pero nakakalakad, nakakahinga ng maluwag, at nakakatawag sa pamilya

Kaya mo yan. Magne-negative ka din. Kapit lang. Walang bagyo na tumagal ng buong taon. Walang sugat na hindi gumaling. Walang dilim na hindi natapos. Kahit ang sitwasyon mo ngayon, dadating sa pagtatapos.

Advertisement

Published by

Jojo Agot

Pastor at Victory. Teacher and writer at Every Nation Leadership Institute (ENLI). MA in Theology and Mission at Every Nation Seminary.